Thursday, January 12, 2012

Expectations

Enero 12, 2012.



EXPECTATIONS.
Salita na madalas pinagsisimulan ng away, di pagkakasundo, at minsan naman sa pag-ibig ay nagdudulot ng hiwalayan.


Numero uno. 



Ang mga magulang - PRESSURE.
Sila madalas ang pinagmumulan nyan.
(sa ayaw mo man o sa hinde.)
Sa pag-aaral , sa paggawa ng gawaing-bahay, at minsan pa nga kahit sa relasyon mo nanghihimasok sila.

Wala naman akong sinasabing masama na manghimasok ang magulang sa buhay ng mga anak nila dahil sila rin naman ang dahilan kung ba't tayo andito ngayon.

 Ang sa akin lang. (MEANING OPINYON LAMANG)


Sana matuto din nilang respetuhin ang desisyon at daang gustong pasukin ng mga anak nila. Hindi yung imbis na suportahan sila , eh sila pa mismo yung pipigil. Pero alam ko din naman na di laging applicable ang suporta sa gusto ng anak kasi nga malay mo, "Droga o Gang" na pala ang papasukin nya at sa dulo ng daan na yun, panigurado walang naghihintay sa kanya kundi si Kamatayan.


Alam kong di magalang ang pagsagot sa magulang, at alam ko rin na wala tayong dahilan para gawin ito, pero minsan sa buhay natin, merong pagkakataon na magagawa nyo ito. 
Di mo man ginusto, kailangan mo rin namang ipaalam sa kanila ang nasa saloobin mo dahil kung di mo masasabi sa kanila, o kahit maipahiwatig man lang, di talaga nila maiintindihan. *pasintabi po sa mga magulang na makakabasa nito* Di ko po intensyon ang mambastos or ipahiya ang kung sino man nais ko lamang po na ilabas ang nasa saloobin ko nang sa ganun, maintindihan din ng mga magulang na kahit bata kami at wala pang masyadong karanasan dito sa mundo, may pakiramdam din po kami at gusto rin naming maranasan ang kung anu mang bagay ang dapat na maranasan (di kasama ang masamang bisyo, dahil kahit kelan hindi ko iyan magagawa. Mahal ko ang mga magulang ko, kahit na ang tatay ko maaga kaming iniwan, di mawawala ang pagmamahal ko sa kanya at naiintindihan ko naman kung bakit nya kailangang gawin yun.)

PR E S S U R E.            

"To force, as by overpowering influence or persuasion."

Yan ang definition ng "pressure" ayon kay Google.

Sa tagalog, "pamumwersa" o "presyon"








*E N D O F F I R S T S E M E S T E R*




"Dear Parents of ......."

Your son/daughter has received an award regarding his/her grades. He/She was commended for being a dedicated student. We are very honored to award him this certificate.
                                            

                                                                                     Sincerely, 
                                                                                    President of ........... Elementary School



Nanay: YOOOHOOOOOOOOOOOOOOOOOO! ang galing galing naman ng anak ko! I am very proud of you! anu bang gusto mo? kotse? bahay? bagong damit? relo? anu? anything you want! Bibilihin ko dahil mataas ang mga grades mo.

Bata: Talaga po? Gusto ko po ng.. "ganito, ganyan" *turo dito, turo doon* *nagresearch pa sa internet para makasiguradong maganda at maipagmamalaki ang bagong regalong matatanggap*



R e l a t e ?     



Naalala nyo ba ang eksenang ito?



Pamilyar ba? 





Madalas ganyan ang mga magulang pagnakakatanggap ng maganda balita galing sa eskwelahan. At syempre isa lang ang reaksyon ng mga bata jan. MASAYA.

Pero wag kayo, yan din ang pagkakaingatan nyo, dahil unang beses na magpakitang gilas kayo sa mga magulang nyo, next thing that will happen is that they will ask for more and as you show them more, they're expectations will get higher.


Nursery
Kindergarten
Preparatory
Elementary
Middle School
High School
College
University



Yan ang hanay ng mga antas sa eskwelahan simula pinakamadali hanggang sa pinakamahirap, sa sobrang hirap madedepress ka at minsan kadalasang dahilan kung bakit nauuso ang "suicide" at naglalabasan ang mga emo *no offense sa lahat ng emo, alam ko naman na di lahat ganyan, pasintabi lang po


Sa mata ng mga estudyante, layunin nila ang makatapos ng elementarya upang makatungtong ng high school. At syempre pagtapos ng High school, Kolehiyo naman ang dapat nilang harapin para ihanda ang mga sarili nila sa tinatawag ng mga matatandang "real world" (wew, LAKI NG WORD!)

kung saan mag-isa mong haharapin ang mga hamon ng buhay.



Ngunit datapwat sa kabilang palad, (wooy lalim! burger! burger!) sa mata ng magulang, ganito..

"KAILANGAN MONG TAPUSIN YANG PAG-AARAL MO! NOONG BATA AKO MATAAS LAHAT NG GRADES KO WALA AKONG BAGSAK O PALAKOL! KAYA IKAW DAPAT WALA RIN!.."



Pamilyar ba ang linyang yan?


Malaking pagkakamali ng magulang ang ikumpara ang anak sa sarili nila, dahil mag kaiba ang bawat tao sa mundo at kahit mismo sa magulang nila, naiiba sila. Kaya dapat di nila kinukumpara sa kahit kanino man sa mundo ang mga anak nila, kahit sa kapatid.

Sabi nga sa kanta: "Ang bawat bata sa ating mundo ay may pangalan, may karapatan.."

Di ba? Klaro. Lahat ng bata ay may kanya kanyang katangian, kaya walang hustisya ang pagkukumpara ng mga magulang sa ibang tao.

*Inuulit ko, pasintabi po ulit sa mga magulang na makakabasa nito, opinyon lamang po ito, at sana huwag kayong magalit, ito ay nagmumula sa isang estudyante na nagmamalasakit sa mga relasyon ng mga magulang at anak, sana maintindihan nyo, "Give and take" eka nga nila. Parang marriage ang relasyon ng magulang at anak, kung walang magbibigay at walang tatanggap, walang mangyayari kundi ang di pagkakaintindihan na maaaring pagmulan ng away

Pangalawa:

Sa haba ng panahon, mula 1900's hanggang ngayon, 2012.

Marami nang bagay ang nadiskubre at naidagdag sa larangan ng edukasyon.

Isang halimbawa:

Periodic Table noong sina-unang panahon na maaaring nagamit at mismong pinag-aralan ng mga magulang mo.






at eto ngayon ang itsura ng Periodic Table after 100 years of studying.



Kung tutuusin, malaki at marami ang pagkakaiba ng noon at ngayon, kaya sana po, sa mga magulang jan, huwag nyo pong ikumpara ang dati sa ngayon dahil hindi valid ang rason na iyon.

Isipin nyo na lang kung anak nyo ang gagawa nyan sa inyo,

Halimbawa:

Nanay: Anak, paturo naman ako kung pano gamitin yung ipad, kasi yung kaibigan ko magaling gumamit eh nakakahiya naman baka sabihin nya taga-bundok ako.

Bata: *tahimik na nag-aaral* Nanay, nag-aaral po ako mamaya na..

Nanay: Anu ba yan! ikaw di ka na mautusan, lagi ka na lang ganyan!
Bata: Nay kasi naman, Nag-aaral nga po ako. Kaya mamaya na lang po, paulit-ulit po kasi kayo eh tsaka kayo na lang po, matututunan nyo din yan.

Nanay: Ah ganyan ka? Tamad ka! Para kang tatay mo! Batugan! Sige jan ka na, huwag kang gagamit ng kompyuter at bawal ka ding lumabas!



Masakit di ba? 

Yung feeling na alam mo sa sarili mong pinagbubutihan mo pero sa mata nila, parang wala kang effort dahil di naman nila talagang alam ang nagyayari dahil takot kang mag-open up di lang dahil sa nahihiya ka, kundi ayaw mong madagdagan pa ang mga problema na kanilang nararanasan.


Sa bawat sulok ng mundo, halos apat sa sampung estudyante ang nakakaranas ng mga pangyayaring ito. *maniwala man kayo o hinde, totoo yan, at alam nyo sa sarili nyo na isa kayo doon*


Don't deny.

Masama daw ang nagsisinungaling.



-S-E-C-O-N-D-S-E-M-E-S-T-E-R-



Bata: Nay, ang hirap po nitong pinag-aaralan namin, hindi ko talaga maintindihan kahit na mag-aral ako dito ng isang buong sa topic na ito"


Nanay: Hay Nako! walang mahirap sa nag-aaral.



Madalas yan ang response ng magulang tuwing ipapaalam mo sa kanila na nahihirapan ka, at kung babagsak ka man sa pagsusulit sana maintindihan nila na ginawa mo ang lahat ng makakaya mo, at talagang hanggang doon lang.





*Sa mga magulang na makakabasa nito, o sa mga estudyanteng iba ang opinyon. Sana huwag nyong isiping pinapasama ko ang reputasyon ng mga magulang sa mundo, human nature na yan sa magulang, (kumbaga natural na sa lahat ng mga magulang) gusto ko lamang po na maintindihan nyo ang aming nararamdaman bilang estudyante ng ika-dalawampu't isang siglo taong dalawang libo at labindalawa*


Ayon nga sa research, kadalasang nagdedevelop ang emotional state ng isang tao sa teenage life nya. Mabilis magalit, magtampo, madaling mapatawa, o minsan onting ganito at ganyan lang maaaring ikadulot ito ng long-term na pagkagalit. 



Alam ko, at alam ng mga magulang sa sarili nilam na dumaan din sila sa stage of life na ito. Bilang magulang dapat intindihin nila ang mga anak nilang teenager na nagdedevelop pa lang ang utak nila, at nag-uumpisa pa lang na magbago ang pananaw nila sa mundo. *di ko po kayo sinesermonan, nagpapaliwanag lang po* 




Kombinsido?
O Hindi?



Nasa inyo na yan, ang sa akin lang. Bago sana ang lahat, ang relasyon sa pagitan ng mga magulang at anak muna ang ayusin upang di maging pasakit ang buhay at upang magkaintindihan sila sa lahat ng mga bagay.

Wednesday, December 21, 2011

Okay ka ba?

TANG INUMIN MO WAG MILO!

ang gumising sa akin kaninang umaga.

pano ba naman, walangya yung kapitbahay namin, daig pa ang nangangampanya sa pagsigaw nyan araw-araw.
 Pero ok lang di ko na papatulan, bata pa kasi eh, (Pero kahit na no, -__- kairita ung boses eh, parang pusang ginagahasa)


wew! nakakagulantang! gabi na ulit?

kanina parang kakagising ko lang, tapos mamaya matutulog na ulit ako?

ano to joke?
parang di ako makapaniwala.. ( sa sobrang bilis ng oras, feeling ko ang slow slow ko na) pero hay at least mas nalalapit na ang oras na makakasama ko ang mahal ko! <3 :"> weeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!

para lang akong lumulutang sa alapaap pag nakikita ko sya,. :)

 CLLLLLLLLARRRRRRRRRRRRRK GISSSSSSSSSIINGGGG NAAAA! TANGGHAAALIII NA!


yan ang sigaw ng nanay ko kanina -__-

pero nang tignan ko ang orasan.. *wewchunchakcheneswatanabeeff* alas otso pa lang ng umaga tapos tanghali na?

Aba'y mas matindi ka pa sa boss na bitter kung ganyan!

wahahaha... Tawa na lang..  

kung anu anu na lang isulat dito no? waahahahahahha hay..
 gusto ko sumigaw

gusto ko mag wala

wahahahah
yang kanta na yan
medyo LSS ako

mamaya na nga ako ulit magsusulat.. -__-

Untitled

Una, bago ang lahat, nagpapasalamat ako sa panginoon.
Bakit?


simple lang ang sagot, dahil ginising nya ako kaninang umaga. :)

 Pero eto talaga, Ako nga pala si Bien Clark Rebugio. Pwede nyo rin akong tawaging Clark o Bien, kahit ano, basta hindi nakakaoffend ok na ok sakin.  

Ako ay isa sa mga mandirigma ng pag-ibig! (grabe napakatagalog ata nun? O.o) pero oo, isa ako sa mga taong pilit nilalabanan ang distansya, upang makita at makausap ang taong pinakamamahal ko. (oo medyo corny, pero totoo yan. Pag inlove ka kahit ano, gagawin mo, promise yan!) LDR o long distance relationship, ayan na ata ang pinakamahirap na uri ng relasyon, maniwala ka man o sa hinde, totoo yan. (Base on proven facts daw?) and I know that prior to my experience! *Uy English! pa-burger ka naman jan!* Leche! :P
pero seryoso muna, tigilan muna natin ang kalokohan. (Sus, para namang posible un!) So, sa totoo lang, di ko talaga alam kung ba't ako gumawa ng blog. Siguro dahil gusto ko lang ilabas ang mga naiisip ko? o baka dahil wala lang ako makausap ngayon? :) *Nababaliw na ata yung author ng blog na to* Sa sobrang boring ng buhay, sobrang bagal ng progreso, pati ang pakikipag-usap sa sarili ko, ay ginagawa ko na rin.. -__-

hayss.. 

First time ko lang mag blog, kaya kung sino man ang makakabasa nito, sa hinaharap, wag mong higpitan ang pag grade ng personal essay ko ah? (noob kasi ako pagdating sa sulatan). 

Kung tatanungin mo ako ngayon kung anung pakiramdam ko tungkol dito sa Blog na ito, isa lang ang sagot ko...

WEIRD.

bakit? eh kasi, di ko na alam if this is making sense right now, or baka maguguluhan din lang yung magbabasa nito.
Para akong tipaklong, palipat-lipat ng topic. Pero okay lang yan, ganyan talaga ang buhay, pagtapos ng isa dun naman sa kabila.

Noong bata ako, nung masaya at simple pa lang ang buhay.
Natandaan ko noon na kahit.. (Biglang nagpalit ng window tab)


May nanggugulong bata, :P 

di ko na bibigyan ng pangalan, pero nakakirita..
eh kasi lahat na ata ng klase ng tanong tinanong nya na sakin..

Mas matindi pa sya sa  paparazzi  eh. ang tingin nya yata sa mukha ko eh instructions or manual guide.

Para bang "Guiding through your life"
 ginawa nya na akong personal "technical service"..
 (Peace tayo ah? wag kang mainis kung makikilala mo ang sarili mo dahil nabasa mo to)

6:04am na ng umaga dito..
 wala pa akong tulog, gusto ko kasing makausap ang minamahal ko. Kahit puyat, okay lang sa akin, basta makita ko lang ang maamo nyang mukha at matindig nyang boses, eh mas matindi pa ako sa nagwawalang electron na nasobrahan sa energy. 

6:06am... 

DALAWANG MINUTO na agad ang lumipas, at dalawang pangungusap lang ang naisulat ko.. Ganyan na ba kabilis ang oras ngayon? mas matindi pa kay Flash. Kung nakabukas ang mata mo at nakakatitig ka sa orasan, "OO, feeling mo bumabagal ang oras" pero dyan ka nagkakamali, dahil sa sobrang naiinip ka, ang utak mo eh nagre-release ng some kind of liquid chemical na parang bumabagal ang oras.  At ang paglipat ng kamay ng orasan ay parang bumabagal. (nag-iimbento lang ako, wag kayo maniwala)

Hay, teka lang muna.
Kilala din pala ako sa pangalang "Dj Bomba". Isa akong Dj sa isang sikat na online radio, ilounge productions, ang buong pangalan, pero mas sikat sa pangalang "ilounge".

Oo kahit online lang yan, at least naranasan kong maging sikat, yung feeling celebrity, yung hinahanap-hanap ka ng mga tao para lang marinig kang mag-dj on air..

ANG HISTORY.

nadiskubre ko ang "ilounge" ng ni-refer ito sakin ng babae na nagngangalang "Yanii"..
nung una, di ko pinansin ung link na binigay nya, pero dahil wala ng tao sa HTV (isang chatroom website na gawa ni Ryan Higa kung saan nagkaka-usap ang mga tao  mula sa iba't ibang parte ng mundo) nagdalawang-isip ako na pumunta duon. Nung pag-click ko ng link nagulat pa ako, kasi naman, si Yanii pala isang Dj duon. *ang shift nya, sa pagkakatanda ko, ay mula 11:00pm hanggang 1:00am* pero sya ay bukod tangi sa lahat, dahil sya lang ang Dj na kumakanta ng live. kahit anong kanta kakantahin nya, at kamangha-mangha dahil, maganda naman ang boses nya. (Skip natin, FAST FORWARD, medyo nakakaboring na yung mga sumunod na pangyayari)

Kinabukasan, napag-isipan ko ulit na  bumalik duon at nagbakasakali na maging Dj, at sa di inaasahang pangyayari, WOOOHOOO!, natanggap naman ako. *parang tanga lang mukha ko nun, kung nakita nyo lang ,sayang di ko napicturan*


at yun *FAST FORWARD* simula noon ako si Dj Bomba!

Tentenenententen!


 Hays, 6:19 na ng umaga, medyo dinadalaw na ako ng antok,
pero okay lang yan! GORA LANG! KAYA PA TO! :)

hihintayin ko pa si Febie Joy Valerio, sya lang naman ang babaeng pinakamamahal ko! <3 :"> 
Haaaaay :"> kinikilig ako sa tuwing binabanggit ang pangalan nya..

Sana makasama ko na sya, gustong gusto ko na kasi syang yakapin at i-date :)
gusto ko ipakita ka sa kanya kung gano ko sya kamahal at gaano sya kaimportante sa buhay ko!
 Kung pwede lang akong gumawa ng isang letter para sa kanya,( pero wag na, dahil kulang ang universe para maisulat ko lahat iyon, masyadong madami, kaya idadaan ko na lang sa tula, na gagawin ko, pagtapos nitong pangungusap na ito)

       
Will you?


Will you be mine, till the sun sets?
and come with me, and never regret?

Let's not look back and keep heading forward,
I'll keep you safe, I'll never be a coward.

If I could invent another word for love,
I would do it, even if takes forever to do so,

I am trapped in your love,
and I will not find a way to escape.

I wish I could keep you forever,
'Cause if I don't, then I'll die of gloominess. 



 waaah,.. wag na nga yan! xD
 Parang fail pa ang labas ng poetry ko wahaha!


eto na lang!


MAHAL NA MAHAL KITA! :) <3 UNDERSTAND?
AT DI KO KAYA NA MAWALA KA SA BUHAY KO!

KAYA PLEASE? :") WAG MO AKONG IWAN? 


ayan na! :D

haayy.. gusto ko pang magsulat, kaso tinatamad na ang mga daliri ko..

itutuloy ko na lang mamaya, paggising ko! :)

hay.. out muna!