Thursday, January 12, 2012

Expectations

Enero 12, 2012.



EXPECTATIONS.
Salita na madalas pinagsisimulan ng away, di pagkakasundo, at minsan naman sa pag-ibig ay nagdudulot ng hiwalayan.


Numero uno. 



Ang mga magulang - PRESSURE.
Sila madalas ang pinagmumulan nyan.
(sa ayaw mo man o sa hinde.)
Sa pag-aaral , sa paggawa ng gawaing-bahay, at minsan pa nga kahit sa relasyon mo nanghihimasok sila.

Wala naman akong sinasabing masama na manghimasok ang magulang sa buhay ng mga anak nila dahil sila rin naman ang dahilan kung ba't tayo andito ngayon.

 Ang sa akin lang. (MEANING OPINYON LAMANG)


Sana matuto din nilang respetuhin ang desisyon at daang gustong pasukin ng mga anak nila. Hindi yung imbis na suportahan sila , eh sila pa mismo yung pipigil. Pero alam ko din naman na di laging applicable ang suporta sa gusto ng anak kasi nga malay mo, "Droga o Gang" na pala ang papasukin nya at sa dulo ng daan na yun, panigurado walang naghihintay sa kanya kundi si Kamatayan.


Alam kong di magalang ang pagsagot sa magulang, at alam ko rin na wala tayong dahilan para gawin ito, pero minsan sa buhay natin, merong pagkakataon na magagawa nyo ito. 
Di mo man ginusto, kailangan mo rin namang ipaalam sa kanila ang nasa saloobin mo dahil kung di mo masasabi sa kanila, o kahit maipahiwatig man lang, di talaga nila maiintindihan. *pasintabi po sa mga magulang na makakabasa nito* Di ko po intensyon ang mambastos or ipahiya ang kung sino man nais ko lamang po na ilabas ang nasa saloobin ko nang sa ganun, maintindihan din ng mga magulang na kahit bata kami at wala pang masyadong karanasan dito sa mundo, may pakiramdam din po kami at gusto rin naming maranasan ang kung anu mang bagay ang dapat na maranasan (di kasama ang masamang bisyo, dahil kahit kelan hindi ko iyan magagawa. Mahal ko ang mga magulang ko, kahit na ang tatay ko maaga kaming iniwan, di mawawala ang pagmamahal ko sa kanya at naiintindihan ko naman kung bakit nya kailangang gawin yun.)

PR E S S U R E.            

"To force, as by overpowering influence or persuasion."

Yan ang definition ng "pressure" ayon kay Google.

Sa tagalog, "pamumwersa" o "presyon"








*E N D O F F I R S T S E M E S T E R*




"Dear Parents of ......."

Your son/daughter has received an award regarding his/her grades. He/She was commended for being a dedicated student. We are very honored to award him this certificate.
                                            

                                                                                     Sincerely, 
                                                                                    President of ........... Elementary School



Nanay: YOOOHOOOOOOOOOOOOOOOOOO! ang galing galing naman ng anak ko! I am very proud of you! anu bang gusto mo? kotse? bahay? bagong damit? relo? anu? anything you want! Bibilihin ko dahil mataas ang mga grades mo.

Bata: Talaga po? Gusto ko po ng.. "ganito, ganyan" *turo dito, turo doon* *nagresearch pa sa internet para makasiguradong maganda at maipagmamalaki ang bagong regalong matatanggap*



R e l a t e ?     



Naalala nyo ba ang eksenang ito?



Pamilyar ba? 





Madalas ganyan ang mga magulang pagnakakatanggap ng maganda balita galing sa eskwelahan. At syempre isa lang ang reaksyon ng mga bata jan. MASAYA.

Pero wag kayo, yan din ang pagkakaingatan nyo, dahil unang beses na magpakitang gilas kayo sa mga magulang nyo, next thing that will happen is that they will ask for more and as you show them more, they're expectations will get higher.


Nursery
Kindergarten
Preparatory
Elementary
Middle School
High School
College
University



Yan ang hanay ng mga antas sa eskwelahan simula pinakamadali hanggang sa pinakamahirap, sa sobrang hirap madedepress ka at minsan kadalasang dahilan kung bakit nauuso ang "suicide" at naglalabasan ang mga emo *no offense sa lahat ng emo, alam ko naman na di lahat ganyan, pasintabi lang po


Sa mata ng mga estudyante, layunin nila ang makatapos ng elementarya upang makatungtong ng high school. At syempre pagtapos ng High school, Kolehiyo naman ang dapat nilang harapin para ihanda ang mga sarili nila sa tinatawag ng mga matatandang "real world" (wew, LAKI NG WORD!)

kung saan mag-isa mong haharapin ang mga hamon ng buhay.



Ngunit datapwat sa kabilang palad, (wooy lalim! burger! burger!) sa mata ng magulang, ganito..

"KAILANGAN MONG TAPUSIN YANG PAG-AARAL MO! NOONG BATA AKO MATAAS LAHAT NG GRADES KO WALA AKONG BAGSAK O PALAKOL! KAYA IKAW DAPAT WALA RIN!.."



Pamilyar ba ang linyang yan?


Malaking pagkakamali ng magulang ang ikumpara ang anak sa sarili nila, dahil mag kaiba ang bawat tao sa mundo at kahit mismo sa magulang nila, naiiba sila. Kaya dapat di nila kinukumpara sa kahit kanino man sa mundo ang mga anak nila, kahit sa kapatid.

Sabi nga sa kanta: "Ang bawat bata sa ating mundo ay may pangalan, may karapatan.."

Di ba? Klaro. Lahat ng bata ay may kanya kanyang katangian, kaya walang hustisya ang pagkukumpara ng mga magulang sa ibang tao.

*Inuulit ko, pasintabi po ulit sa mga magulang na makakabasa nito, opinyon lamang po ito, at sana huwag kayong magalit, ito ay nagmumula sa isang estudyante na nagmamalasakit sa mga relasyon ng mga magulang at anak, sana maintindihan nyo, "Give and take" eka nga nila. Parang marriage ang relasyon ng magulang at anak, kung walang magbibigay at walang tatanggap, walang mangyayari kundi ang di pagkakaintindihan na maaaring pagmulan ng away

Pangalawa:

Sa haba ng panahon, mula 1900's hanggang ngayon, 2012.

Marami nang bagay ang nadiskubre at naidagdag sa larangan ng edukasyon.

Isang halimbawa:

Periodic Table noong sina-unang panahon na maaaring nagamit at mismong pinag-aralan ng mga magulang mo.






at eto ngayon ang itsura ng Periodic Table after 100 years of studying.



Kung tutuusin, malaki at marami ang pagkakaiba ng noon at ngayon, kaya sana po, sa mga magulang jan, huwag nyo pong ikumpara ang dati sa ngayon dahil hindi valid ang rason na iyon.

Isipin nyo na lang kung anak nyo ang gagawa nyan sa inyo,

Halimbawa:

Nanay: Anak, paturo naman ako kung pano gamitin yung ipad, kasi yung kaibigan ko magaling gumamit eh nakakahiya naman baka sabihin nya taga-bundok ako.

Bata: *tahimik na nag-aaral* Nanay, nag-aaral po ako mamaya na..

Nanay: Anu ba yan! ikaw di ka na mautusan, lagi ka na lang ganyan!
Bata: Nay kasi naman, Nag-aaral nga po ako. Kaya mamaya na lang po, paulit-ulit po kasi kayo eh tsaka kayo na lang po, matututunan nyo din yan.

Nanay: Ah ganyan ka? Tamad ka! Para kang tatay mo! Batugan! Sige jan ka na, huwag kang gagamit ng kompyuter at bawal ka ding lumabas!



Masakit di ba? 

Yung feeling na alam mo sa sarili mong pinagbubutihan mo pero sa mata nila, parang wala kang effort dahil di naman nila talagang alam ang nagyayari dahil takot kang mag-open up di lang dahil sa nahihiya ka, kundi ayaw mong madagdagan pa ang mga problema na kanilang nararanasan.


Sa bawat sulok ng mundo, halos apat sa sampung estudyante ang nakakaranas ng mga pangyayaring ito. *maniwala man kayo o hinde, totoo yan, at alam nyo sa sarili nyo na isa kayo doon*


Don't deny.

Masama daw ang nagsisinungaling.



-S-E-C-O-N-D-S-E-M-E-S-T-E-R-



Bata: Nay, ang hirap po nitong pinag-aaralan namin, hindi ko talaga maintindihan kahit na mag-aral ako dito ng isang buong sa topic na ito"


Nanay: Hay Nako! walang mahirap sa nag-aaral.



Madalas yan ang response ng magulang tuwing ipapaalam mo sa kanila na nahihirapan ka, at kung babagsak ka man sa pagsusulit sana maintindihan nila na ginawa mo ang lahat ng makakaya mo, at talagang hanggang doon lang.





*Sa mga magulang na makakabasa nito, o sa mga estudyanteng iba ang opinyon. Sana huwag nyong isiping pinapasama ko ang reputasyon ng mga magulang sa mundo, human nature na yan sa magulang, (kumbaga natural na sa lahat ng mga magulang) gusto ko lamang po na maintindihan nyo ang aming nararamdaman bilang estudyante ng ika-dalawampu't isang siglo taong dalawang libo at labindalawa*


Ayon nga sa research, kadalasang nagdedevelop ang emotional state ng isang tao sa teenage life nya. Mabilis magalit, magtampo, madaling mapatawa, o minsan onting ganito at ganyan lang maaaring ikadulot ito ng long-term na pagkagalit. 



Alam ko, at alam ng mga magulang sa sarili nilam na dumaan din sila sa stage of life na ito. Bilang magulang dapat intindihin nila ang mga anak nilang teenager na nagdedevelop pa lang ang utak nila, at nag-uumpisa pa lang na magbago ang pananaw nila sa mundo. *di ko po kayo sinesermonan, nagpapaliwanag lang po* 




Kombinsido?
O Hindi?



Nasa inyo na yan, ang sa akin lang. Bago sana ang lahat, ang relasyon sa pagitan ng mga magulang at anak muna ang ayusin upang di maging pasakit ang buhay at upang magkaintindihan sila sa lahat ng mga bagay.

No comments:

Post a Comment